Hindi ako namulat sa tradisyon na pumunta ng sementeryo pag araw ng patay, lahat kasi ng mga namatay naming kamag-anak ay nasa probinsya. Kaya ang payabangan ng mga horror stories, at gawing bola ang natunaw na kandila ay hanggang sa bahay ko lang nagagawa. Ipinagitirik na lang namin sila ng kandila at ipinaghahanda ng pagkain. Parang may birthday. Ang bisita nga lang, eh di nakikita.
Madalas kong paulanan ng tanong ang nanay ko sa mga bagay na tulad nito. Mausisa, at hindi titigil hanggat di ko nakukuha ang tamang sagot.
Ako: Bat may kandila ma?
Mama: Para gabayan sila sa tatahakin nilang landas
Ako: Bakit maliwanag naman sa langit ata eh?
Mama: Basta tradisyon na yan na ipagtirik sila ng kandila.
Ako: Bat valenciana handa natin? Dati kalamay. Dati spaghetti?
Mama: Para masarap pagkain nila.
Ako: Di naman sila nakain eh, patay kaya.
Mama: Ihanda mo na nga yung table. (Seryoso na si nanay)
Ang table, lalagyan ng magandang tela, tas titirikan ng higanteng espermang kandila sa kaliwa at kanan. Lalagyan din ng santo, rosaryo, plato na may pagkain, dalawang baso ng malamig na tubig at tinidor. Depende kung ilan ang patay mo, yun ang bilang. At pagkatapos, iiwan ang kwarto ng ilang oras.
Dati hindi talaga ako nagseset-up niyan. Natatakot kasi ako. Hindi sa patay ha! Kundi sa reason ng nanay ko kung bat niya ginagawa yun, na siya lang nakakagets. Sabi sayo eh, nakakatakot ang ideya.
Ako: Ma, may birthday?
Mama: anak, deathday kaya.
Ako: Kaya may handa?
Mama: Oo. (Tipid ng sagot.)
Ako: Parang commemoration?
Mama: Oo ganon.
Ako: Anong gagawin nila sa food?
Mama: Bahala sila. Pede nilang amuyin.
Ako: Kaya nila?
Mama: .. -.-
Ako: Bakit sila pupunta dito? Bat hindi tayo?
Mama: Sino naghanda ng pagkain?
Ako: Tayo. Ay ikaw pla.
Mama: Sino bisita?
Ako: Sila. (Ha.. hongaa..)
Nandun naman ang effort ng nanay ko sa pagpapaliwanag. Maingat. Ayaw niya pa ko deretsuhin na kaluluwa ng pagkain ang kakainin ng mga kaluluwa. Siguro dahil pag nagtanong ako ng “Bakit na naman”, mababatukan na niya ako ng kandila. Sige na nga, ang tradisyon ay tradisyon. Magagalit ang angkan ni Melchora kung ipagpilitan na palitan. Parang kaluluwa, di na nga sila nakikita kaya wag na yayaing magpakita. Kaya nga mga nanahimik na di ba? Kaya observe silence. Ssshh.
Posted in Uncategorized
Tags: laugh out loud, let's celebrate, my share
Recent Comments