Deathday ngani.
Hindi ako namulat sa tradisyon na pumunta ng sementeryo pag araw ng patay, lahat kasi ng mga namatay naming kamag-anak ay nasa probinsya. Kaya ang payabangan ng mga horror stories, at gawing bola ang natunaw na kandila ay hanggang sa bahay ko lang nagagawa. Ipinagitirik na lang namin sila ng kandila at ipinaghahanda ng pagkain. Parang may birthday. Ang bisita nga lang, eh di nakikita.
Madalas kong paulanan ng tanong ang nanay ko sa mga bagay na tulad nito. Mausisa, at hindi titigil hanggat di ko nakukuha ang tamang sagot.
Ako: Bat may kandila ma?
Mama: Para gabayan sila sa tatahakin nilang landas
Ako: Bakit maliwanag naman sa langit ata eh?
Mama: Basta tradisyon na yan na ipagtirik sila ng kandila.
Ako: Bat valenciana handa natin? Dati kalamay. Dati spaghetti?
Mama: Para masarap pagkain nila.
Ako: Di naman sila nakain eh, patay kaya.
Mama: Ihanda mo na nga yung table. (Seryoso na si nanay)
Ang table, lalagyan ng magandang tela, tas titirikan ng higanteng espermang kandila sa kaliwa at kanan. Lalagyan din ng santo, rosaryo, plato na may pagkain, dalawang baso ng malamig na tubig at tinidor. Depende kung ilan ang patay mo, yun ang bilang. At pagkatapos, iiwan ang kwarto ng ilang oras.
Dati hindi talaga ako nagseset-up niyan. Natatakot kasi ako. Hindi sa patay ha! Kundi sa reason ng nanay ko kung bat niya ginagawa yun, na siya lang nakakagets. Sabi sayo eh, nakakatakot ang ideya.
Ako: Ma, may birthday?
Mama: anak, deathday kaya.
Ako: Kaya may handa?
Mama: Oo. (Tipid ng sagot.)
Ako: Parang commemoration?
Mama: Oo ganon.
Ako: Anong gagawin nila sa food?
Mama: Bahala sila. Pede nilang amuyin.
Ako: Kaya nila?
Mama: .. -.-
Ako: Bakit sila pupunta dito? Bat hindi tayo?
Mama: Sino naghanda ng pagkain?
Ako: Tayo. Ay ikaw pla.
Mama: Sino bisita?
Ako: Sila. (Ha.. hongaa..)
Nandun naman ang effort ng nanay ko sa pagpapaliwanag. Maingat. Ayaw niya pa ko deretsuhin na kaluluwa ng pagkain ang kakainin ng mga kaluluwa. Siguro dahil pag nagtanong ako ng “Bakit na naman”, mababatukan na niya ako ng kandila. Sige na nga, ang tradisyon ay tradisyon. Magagalit ang angkan ni Melchora kung ipagpilitan na palitan. Parang kaluluwa, di na nga sila nakikita kaya wag na yayaing magpakita. Kaya nga mga nanahimik na di ba? Kaya observe silence. Ssshh.






haha.. may nakaktuwang kwento ako dyn. dati nung hindi pa kmi christian, nag-aalay din ng food si mama sa altar. xempre same reason lang cla ng mama mo, para daw yun sa mga kaluluwa na dadalaw! kya kinabukasan chineck ko kng anong ngyari.. laking gulat ko nawala yung food!! as in plato nlng andun! katakot dba?? saktong andun c dadi, kya sya tinanong ko.. tpos biglang tinawanan lang ako. pasaway! buong araw ko iniisip kung san npunta ung food.. tpos late ko na nalaman na si dadi pla ang kumain nun! pasaway! nagutom daw kc sya nung gabi, e tntmad daw sya lumabas ng kwarto kya yung alay nlng kinain nya.. pasaway tlga dadi ko! tinakot pko!
haha. may ganyan din akong experience… sila kasi di nila masyado pinapaliwanag ang mga bagy bagay kaya ayan.. nasho-shock tayo. teka, anong kinalaman ni christian sa kwento mo?
hahaha.. buti wala akong experience na ganyan.. takot na kasi ako eh kaya no questions asked na.. zip my mouth na.. alam ko kasi mananakot sila inay at itay eh..
nung hindi pa daw sila christian nic.. bale, katoliko pa sila nun…
ah, haha! kala ko ex ni belle. -laff trip na naman ako-
tsktsk… dala b yan ng sobrang pagba2sa ng Kaplan?? tsktsk.. malala na yan nic! gumala k nmn.. wahehe