10 Minutong Usap Kasama Ka
Alam mo hindi kumpleto ang araw ko na hindi kita naiinom sa umaga.
Parang walang umaga pag hindi kita naaamoy.
Hindi rin masayang magaral pag wala ka sa tabi ko
Ka-jamming kasi kita sa mga cramming moments ko
Pag kailangan kong maging high,
Titingin lang ako sa dining table at para ka ng kumakaway.
Hindi ka masarap pag iba ang nagtitimpla.
Kailangan black, less sugar.
Pag rainy days naman, solve na ko
Na ikaw ang kasama sa kwarto ko
Hindi ko nararamdamang magisa
Habang nagbabasa ng paborito kong libro o nagsa-soundtrip.
Nandyan ka sa tabi ko pag kailangan ko ng ideya
Pag may gusto akong isulat,
Pag may gusto akong i-drawing,
Pag may gusto akong iiyak,
O kahit nagpapalipas oras lang.
Mangangalahati na kitang iniinom
Pero mainit at masarap ka pa rin.
Kahit mahaba ang mga kinukwento ko sa’yo
Mukhang hindi ka nagsasawang makinig
Minsan nga kahit badtrip o wala ako sa mood
Tahimik ka lang at umuusok.
Parang kilala mo na ko.
Anong bang meron ka na wala ang iba?
Na wala ang milo o ng calamansi juice?
Dahil kape ka at sila’y hindi?
Yun nga siguro.Hehe.
Salamat. Bukas ulit kaibigan!







kewl, i abslutely agree on this one. tht’s a well written state, hehe XD
thanks. share ko sa’yo kape ko today.
Ano’ng meron ang kape na wala sa iba? Ang kape ay parang pag-ibig! Ahaha! Nice entry!