NOKBUK
Ang kapangyarihan ng isang ideya ay parang bumbilyang nagti “ting-ting-ting” na sumusulpot sa taas ng ulo mo. Minsan ang life span nito ay minuto kaya hindi dapat ito pinapalagpas. Ganon kasi yung akin, ewan ko lang sa’yo. Kaya di na bago sa akin, na dapat may nakakalat na papel sa tabi ko o kung wala, pader ang pupuntiryahin ko. Yung sa pader, trip ko yun nung musmos pa ako, kaya kahit papano may lusot pag napagalitan ako. Ngayong malaki na ko, hindi na ako primitive. Natutunan ko na ang pormal na paraan… sa pamamagitan ng scratch system. (tignan ang larawan ng malaki para masaya: pedeng magspot the difference!)
–♥–
Kung makikialam ka sa halos mga nokbuk ko, kesyo nakatago, nakaimbak, nakatambay sa bookshelf o ginagamit ko man ngayon, subukan mong buksan muna ang hulihan. Makakakita ka ng kung anu-anong kwento, tula, kadramahan, love letter, mga pa-echos, doodling, cross-hatching, pangalan ko sa iba’t ibang fonts at formula for calculation ng gtts/min ng dextrose.
Lahat iyon ay produkto ng ideya at resulta sa pakikipagbunong braso sa oras. Madalas akong hindi makinig sa ingay ng mundo. At ang boses lamang ng aking isipan ang nais kong pakinggan. Kailangan ko lang paganahin ang konsentrasyon ko para mas malakas ang super powers. At poof! Kokokrunch yun na yung nagti “ting-ting-ting” na bumbilya kunong sumusulpot.
May nakapagsabi sa akin na madungis daw tignan ang nokbuk na puno ng sulat sa likod. Sinabi sa akin iyon ng classmate ko nung hayskul. At naimpluwensyahan naman niya ako ng maraming taon. Kaya naisip ko na lamang na humingi ng one whole sa katabi ko. Pero pahirapan kasi ang paghingi, kaya kailangan magaling kang tyumempo. Yung tipong walang nagbabadyang eksam. At dun nagsimula ang ipit-ipit gang.
Dahil sa halinghingang kaka-ipit ko sa mga pagitan ng pisngi ng mga pahina, di nagtagal ay nairita rin ako. Ang daming nawawala, ganyan siguro pag madalas hinihiram ang notes ko. Well, ganyan talaga pag masipag kang magsulat ng lecture at maganda ang penmanship mo. May edge. Hindi naman ito nalalayo sa nakamit kong award na “Best in Writing” nung grade 3 at naging no-stir ang lahat nung maging secretary ako nung hayskul. Mabalik tayo sa ipit system, ang karamihan ay di na bumabalik sa ‘kin. Pakiwari ko’y inangkin nila yun. In-edit ang ilang verse ng tula at dinagdag sa corny na lab leter nila para sa bobolahing sisiw. O kaya pinag-interesan ituloy ang doodling at ayun nauso ang scratch that made an impact on our Philippine History.
Kaya balik sulat likod ako, buong college years yan’ ang past time ko. Na akala ng katabi ko, tumatakbo sa pa rin sa dugo ko na masipag lang talaga akong maglecture.
May tanging subject na malakas ang loob ko na hindi makinig. Wala kasing kwenta kaya ginamit ko ang oras ko na may kabuluhan kahit papano. Minsan natatawag naman niya ang atensyon ko. Yun yung pag naguumpisa na siya sa mga flight of ideas niya. Magulo, pero pwedeng pagtiisan. May mga kowt din kasi siyang nabibitawan na may spunk! Yeah rock on! At eto ang isa sa mga iyon.
“the only thing that you can reflect on your college years is about relationship – Mrs. Ancheta (professor ko ng NUR700 Nursing Leadership and Management – major subject namin na minamani-mani ko lamang) Buti hindi rin mani ang grado ko.
–♥–
Noong isang araw lang, nabiktima ako ng silip gang. Ay hindi, nanay ko pala. Inayos niya kasi yung mga lumang nokbuk ko na inaagiw na. Mga nokbuk ko yun nung highschool, supporter kasi ako ng RRR (reduce, recycle, reuse) sayang ang papel pede pang pagsayangan ng tinta ng ballpen o kaya ay patulisin ang mongol kong pudpod.. Ang iba ay ginamit ng nanay kong pang siga, na sakto nagbarbecue kami for our lunch. Nagpapabaga siya nung may lumipad na papel sa harapan ko. Pinulot ko ito at binasa. Biglang nanlamig ang buo kong katawan. Kung iniisip mo na lab letter iyon, hindi, buti na lang hindi.
Liham pasasalamat ko iyon noong New Year 2005. Imbis na gumawa ako ng New Year’s Resolution, gumawa ako ng mga “thank you’s ko” na nangyari sa ‘king buong taon. At ilang salita ang nandon sa lumipad na papel – Salamat dahil 2x lamang nagaway ang nanay at tatay ko sa araw na iyon.. Salamat dahil gumaling ang kapitbahay naming may uterine cancer.. Salamat dahil hindi ko na nauupakan ang kapatid ko bagkus nakayanan kong magtimpi sa pangaasar niya.
Sabi ng nanay ko ay nabasa niya lahat, di na ko nagtanong pa, inisip ko na nabasa niya rin ang iba pang ipits (plural). Ang pakiramdam ko lamang noon ay parang biglang na-raid ang illegal business kong jueteng.
–♥–
Scratch system, legal man o hindi sa mata ng tao, isang opurtunidad ito na dapat di pinapakawalan ang mga ideyang basta bastang kumakatok sa left and right hemisphere ng brain. Dahil kung ikukumpara sa kahit ano sa mundo, nagtataglay ito ng super powers na mas malakas kesa sa tiririt ng ibon, ingay ng sasakyan pag ini-istart o kaya tahol ng aso pag may alien na naglanding sa tapat ng bahay mo. Wag mong hayaang nakakulong lamang ito dahil baka kalawangin yan’, ma-risk for infection ka pa.. Ang lahat ay nagsisimula sa isang ideya, pagyamanin mo ito at malayo ang iyong mararating.
–♥–
Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataong magsulat. Hindi lahat nabibigyan ng boses sa papel. Ang iba nga nakukuntento na lang sa ilalim ng tulay o upuan sa bus. Kaya di dapat sayangin ang pribilehiyo na mailapat ang isip sa isang babasahin. – Bob Ong






gawain ko rin dati yan..mas mukha na ngang scratch paper yung notebook ko eh..itsurang kinahig kasi ng manok ang penmanship ko…lalo na kapag cursive mode.
nagdugo ilong ko sa tagalog ng nokbuk. isa kang anak ni balagtas icka! hehee.. isa kang alamat at huwaran.
Pareho tayo, madalas din ako magsulat ng name ko sa iba-’t ibang font styles.
Masipag at maganda (hehe) akong magsulat kaya laging pinapa-photocopy ng mga seatmates ko ‘yung lecture ko. ‘Yun nga lang, nagrereklamo sila kasi hindi pwedeng walang pangalan ko sa dulo nung lecture ko. Hehehe.
Pero when it comes dito sa Blogger, kapag nakakaisip naman ako ng ipo-post, eh madalas, cellphone ang puntirya ko. Hehe.
buti gradweyt na ako ng doodle gang na pumupuno ng kung ano anong sulat sa likod ng nokbuk… adik ako jan mula nung elementary hanggang hayskul… buti pag tuntong ko ng college hindi na masyado… sayang kasi yung gtech..
ha ha..
Very thought provoking naman ang post mo na ito
Keep it up!
on nelo: ahaha..ganon ba? ako rin minsan iba iba yung sulat ng nokbuk ko minsan nsa linya, minsan nalutang. nakakatamdad din kasi hehe
on jackie and tl: “nokbuk” kasi yung tawag nung isang toddler na narinig kong nagpapabili sa nanay niya sa national bookstore. na-cute-an kc ako. kaya ayan. salamat! hugs.
on meryl: apir! na naging habit na natin sa notebook natin. haha. naku, buti hindi pla ako nakikihiram ng notes mo, ayaw ko kc ng may pangalan sa dulo eh. minsan binubura ko yun, o nilalagyan ng mga bulaklak na nagiging garden na. hehe. peace. o minsan nalabas lang tlga na tamad ako kya nakiki-photocopy hehe.
on kingdaddyrich: wow gtech! haha. panda lang kasi gamit ko pag doodle time eh at least hndi ako manghihinyang kahit sa scratch. tpos balik to pilot naman pag pormal na.haha. pro buti grad ka na, ako di pa.hehe
isa kang gifted child icka!
hahahaha .. di lahat kasi ng mga taong may idea, they can put it up to illustrations or any ..
pero ikaw, nagagawa mo!
galeng mu! hehehehe ..
harharhar!! natawa naman ako. ganun din kasi ako lalo na nung high school bawat notebook ko panay sulat at drawing yung likod. : ) may essay, may larong surrender at sos at kung anu ano pa. hehehe nga pala, nalink na kita sa wakas! hehehe.. makikita mo sa blogroll section ng aking mumunting blog.
hehehe. nachallenge nman ako, ang lalim ng tagalog! nag nosebleed nako d2! hehehe. ngayon pang nasanay nako sa paingles ingles ni inday na kumakalat via txt msgs ngayon hehehe.. have a nice day!!
on ch13f: ch13f. ikaw plang ang kauna-unahang tao na nagsabi skin na gifted ako, cge maniniwala ako dun haha joke lng. thanks for appreciating my entry. mdyo mahaba, at napagtiyagaan hehe..
on daniel-jr:tlga? cge i’l see it for myself mamya. pag wala naku.. lagot ka sa’kin hehe joke lng.
about sa scratch, anong surrender? di ko alam un… sos lang ehe
about kay inday.. oo haha.. nawiwindang nga ako dun, yabang mag-english eh!
susmio por jus por santo, waaaa… kahit ilang beses ko basahin, nagdudugo tlga ilong ko.ahihihi..
icka, pagnakita ko c prince charming, sa kanya ko papatranslate.. waaaa… asan na kaya un?! hahaha