Eto ako nakaupo sa isang sulok na kala mo toxic dahil kung anu-ano ang binabasa ko…hindi nga ako makapagconcentrate eh…kaya eto sulat muna ako. hehe… Sino kaya mas toxic sa atin eh nagbi-busy busyhan ka dyan sa harap ng monitor… hehe…pero alam mo, siguro hindi dahil nakatalikod ka pero kasi nakakatuwa ka lang tignan habang kinakausap ka ng utak ko nang patalikod. Gusto ko lang sabihin na mahal kita at alam ko rin namang mahal mo ‘ko… wala lang… ang sarap lang ulit ulitin na… mahal kita at mahal mo ‘ko… hehe… oh ayan na… kumakanta ka na naman… haay naman… ang sarap pakinggan ng boses mong lumalambing sa mga tenga ko. eee… ano ba yan’ weirdo na ko… ngumingiti mag-isa… wag ka lang lilingon baka maisip mong nababaliw na ko. teka nga makalapit muna sa’yo baka sakaling makuha ko atensyon mo… … … at nang niyakap kita, tinaanong mo sa’kin “bakit?”… sabi ko wala lang… hehe… basta … nagtatanong ka pa eh…gusto ko lang maglambing… pakiramdam ko kasi pag yakap kita eh solo natin ang mundo. weee ***fireworks***!!!
~ by ickaissimo on January 30, 2007.
Posted in Uncategorized
Tags: falling in love, He, mushy
Leave a Reply