Knock Knock

Itong kwentong mababasa niyo ay hindi maiintindihan pag hindi binasa ang naunang dalawang kwento. Required basahin dahil ikaw ay kasalukuyang nakikibasa sa page ko. Well edited na yan’. marami pang bagong karakter ang makikilala dito. Ang setting ng istorya ay nasa loob ng circulatory system ni minamahal. V/S taken and recorded. Stable. Documented.

“tok-tok”. At naulit muli… “tok-tok”. May kumakatok sa pintuan ng puso ni minamahal. Siya ay si…“nagdaan”. Tama, nagdaan as in… nagdaan na sa buhay niya, included in the past medical history according to minamahal’s chart. May sasabihin lang naman raw na importante kaya nais lamang niya sana na hingiin ang kahit saglit na oras ni minamahal. Humingi siya ng sorry. Singit muna ako…sneaking in quietly sa scene…tsk tsk…TAKE ONE, ACTION! (Serious mode moment of nagdaan): “Alam kong nasaktan kita pero sana bigyan mo ulit ako ng pagkakataon para itama ang mga maling nagawa ko. Alam ko tanga ako dahil hinayaan kong mawala ka sa akin pero mas magiging tanga siguro ako kung wala akong gagawin. Mahal kita. Sana hayaan mo kong patunayan iyon sa iyo”. Drama… infairness, parang bida sa radio… nagshine! Haha. Reply naman ni minamahal: (TAKE ONE, ACTION!: “Matagal na kitang pinatawad, wala na sa akin yun’. Pero wala ka ng dapat patunayan. Masakit mang marinig pero eto yung totoo, hindi na kita mahal.” nilipat ang camera kay “nagdaan…OUCH!!! ROAR!!! Parang sumabog lang naman ang mundo niya…ganon lang naman. Big Bang Theory is applied. At nagkaroon ng silencio sa paligid. Matagal. … … .. .Matagal talaga… … . . . …At natapos rin, sa wakas. Ayun, sa di inaasahang pagkakataon nagevolve si “nagdaan” into “nasaktan”. Umuwi si “nasaktan” kasama si “luha at lungkot” kapit kamay silang naglalakad(ganito ang posisyon nila L-N-L, intiendes?) at wag ka, nang-aasar pang kumakanta …“ang pag-ibig kong ito, luha ang tanging nakamit buhat sa’yo…” mula sa kanilang paboritong bandang moonstar88. Hanggang ngayon sinisisi pa rin ni “nasaktan” ang sarili kung bakit parte siya ng black and white na nakaraan ni minamahal. Tapos biglang may lumapit sa kanya, animo’y isang kaluluwa na nanggaling sa likod niya. Siya ay si “nanghihinayang”. Mabait yan’ kaya present yan’ sa aftershock moments ng buhay mo. Yun’ nga lang madalas pessimistic. Puro “tsk-tsk-tsk” ang lumalabas sa bibig. At pag nag homily, puro “if-only” ang simula ng every paragraph. At wag ka, tropa na agad sila ni “nasaktan”…at ang fave expression nila ay “so stupid me”.

Same day. “tok-tok”. At naulit muli… “tok-tok”. Sa ikalawang beses, may kumatok muli sa pintuan ng puso ni minamahal. Baguhan ito, rising star kuno sa pinilakang tabing. (drum roll)…. Charan! Siya ay si “kasalukuyan”. Muli, isang bagong karakter para mas exciting at kaabang-abang ang pag babasa mo sa blog ko. Welcome sa storya! (palakpakan…) Cheers! Confetti! Sa tingin niyo mahaba ang hair ni minamahal? Haha. Hindi naman tamang haba lang. Dumaan lang talaga para mangamusta at tignan kung okay siya. Bumisita lang sa buhay niya. Kayo talaga, issue kung issue eh. Tamang paramdam lang. Tamang pagpapangiti sa araw araw. At tamang panuntunan sa buhay na: “Wag mong hintaying mahalin ka nya, kundi iparamdam mo na dapat ka nyang mahalin”. (ang quote ay nanggaling sa blogger na si red, ang malungkot na payaso ayun kay cio. Pahiram po ha, mahal na reyna kung iyo po lamang mamarapatin^^,) At pano ko naman nalaman? Kasi di siya umorder ng nursing t-shirt. Nagpagawa siya para sa sarili niya na nakasulat sa buong t-shirt – Font 22 color green, trebuchet MS BOLD. Dahil diyan nagsulputan ang paparazzi sa paligid. Naku, wag po “mag-assume”… not even to expect. Wag makiuna sa kung anong mangyayari dahil hindi mo hawak ang “book of fate”. Sinasabing nakatago ito sa liblib na walang nakakaalam na lugar ng kung saan. Ni-tangkang pumunta sa pook na ito ay wala pang gumagawa. -.- ? Kailangan daw kasi hanapin muna ang “liave de maestro” na makapagbubukas sa kinalalagyang baul. Balak mo bang hanapin? Wag na gawa gawa ko lang ‘yan.

Ayun, mabalik tayo kay “minamahal”, naisip niya na maglakad lakad muna sa labas. Tamang tama dahil it’s a cold and starry night. Jive sa moment! Kaya feeling ni niya this is the time to shine! Ang dami kasing artikulo ang lumabas last week ukol sa kanya. Lalo na sa isang dyaryo na ang front title eh “What’s the real score?”. Bakit kasi hindi magtanong ang mga paparazzi directly to “minamahal” to have a clear view of what’s really happening. Issue agad eh. At pede ba pag nagtanong at narinig ang sagot, maniwala na. Dahil kung hindi rin lang, mas mabuting wag ka ng magtanong. bahala ka ng mag-assume o kung magpapa-reprint at magdidistribute ka pa ng copy ng article na ‘yan. Care bear. Nga pala, hindi siya naglalakad sa gitna ng kalasada ha.. sa gilid lang. Dahil hindi pa siya handang masaktan… I mean mabangga.

Sa kanyang paglalakad sa “safe side” of the road, nakasalubong niya si “confusion”. Pinsan ni “nanghihinayang” na walang ginawa kundi ang i-adjust ang setting ng utak. Pampagulo “kuno” para may “thrill” at kapanapanabik ang mga ekena. Ayun, mukhang hindi tama ang pagregulate at nasobrahan ata. Kaya ang laman ng utak ni minamahal ay daan-daang “?”… at kung bakit kasi “free fall” ang offer sa paghulog sa bitag ni “friendship”.

~ by ickaissimo on December 1, 2006.

Leave a Reply